Kamot ulo at aminadong hirap na mabawi ng ilang mga tindero ang ipinuhunan nila sa face shield matapos na ipatupad ngayong araw na hindi na mandatoryo ang pagsusuot nito sa mga lugar na nasa alert level 3 pababa kabilang ang National Capital Region (NCR).
Ayon sa tinderong si Tatay Mamao, mula sa dating 10 piso kada piraso ng face shield, P7 hanggang P8 na lamang niya ibinebenta ang naturang produkto para lamang mapaubos.
Kaugnay nito, nagpaalala ang gobyerno na sundin pa rin ang iba pang safety protocols at umiwas sa mga matataong lugar upang maiwasan na mahawaan ng COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho