Umabot na sa 11.1 milyong piso ang halaga nang nasabat na iligal na droga sa isinagawang week-long operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa naitalang datos, mula Nobyembre 8 hanggang Nobyembre 14 nakapagsagawa ng nasa 205 drug operations ang mga operatiba kung saan naaresto ang nasa 374 na indibidwal.
Nakumpiska mula sa mga ito ang kabuuang 1,630.48 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 11.08 million pesos, maging 699.67 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng 83,960 pesos at ecstasy na aabot sa 8, 500 pesos.
Samantala, nasa 97 ang naarestong most wanted at pumalo rin sa 145 ang wanted persons na nakulong. —sa panulat ni Joana Luna