TINIYAK ng mga malalaking chicken producers sa bansa na hindi kakapusin ng suplay ng manok sa darating na Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa Vitarich Corporation at Cargill Philippines, walang dapat ikabahala ang publiko sa suplay dahil kaya nilang punan ang malaking demand dito sa holiday season.
“We are ready for the Christmas rush and the opening of the economy,” ayon kay Atty. Karen Jimeno, legal counsel ng Vitarich. “Our industry is one of the few that provide both livelihood and fresh nutritious food for the Filipino people.”
Sinisikap aniya ng poultry industry na maging abot-kaya ang presyo ng manok sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Nanawagan din si Jimeno sa mga consumers na tangkilikin ang sariling atin o suportahan ang lokal na produkto para makaahon ang lahat sa paghihigpit dulot ng pandemya.
Pahayag naman ni Cargill Phils. Corporate Affairs Director Cris Ilagan, naniniwala itong may “pressure” pagdating sa gastusin sa hilaw na materyales.
Gayunman, sinabi ni Ilagan na malaki ang posibilidad na hindi ito makakaapekto sa suplay ng manok.