Nagpaalala sa publiko partikular na sa mga magulang ang mga doktor sa Philippine Pediatric Society kasunod ng pagluwag ng restriction sa bansa.
Kasunod ito ng 2 taong gulang na bata na nagpositibo sa Covid-19 matapos magpunta sa isang mall.
Ayon kay Dr. Cynthia Cuayo-Juico ng Philippine Pediatric Society, mas mainam kung hintayin muna sa susunod na 10 araw ang epekto ng pagdagsa ng mga mallgoers kasama ang mga bata.
Dagdag pa ni Juico, dapat na masanay ang mga kabataan sa Covid-19 protocols kabilang na ang tamang paggamit ng facemask at pagsunod sa physical distancing.
Mainam din kung tuturuan sila ng tamang paghugas ng kamay dahil wala pa umanong bakuna para sa mga kabataang nasa edad 11 pababa. —sa panulat ni Angelica Doctolero