Magpapatupad ng “no vaccine, no entry” ang Philippine Sports Commission sa mga empleyado, atleta at mga opisyal na pupunta sa training.
Kasunod ito ng pag-apruba sa resumption o pagpapatuloy ng training sa ilang piling national team sa Rizal Memorial Sports Complex, Philippine Sports Complex, at Baguio Training Camp kasabay ng pag-apruba ng safety guidelines na siyang ipapatupad sa oras na magbalik ang mga atleta.
Ini-evaluate narin ang mga pasilidad na gagamitin ng mga manlalaro at nakikipag-ugnayan na rin ang PSC sa mga local government units para masigurong maipatutupad ang health and safety measures. —sa panulat ni Angelica Doctolero