Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emegency Use Authorization ng apat na COVID-19 vaccine brand na maaaring gamitin bilang booster shot at third dose.
Ayon kay FDA Chief Eric Domingo, kabilang dito ang Pfizer, Astrazeneca, Sinovac, at Sputnik Light.
Lahat ng naturang bakuna ay homologous, maliban sa Sputnik Light na heterologous o additional dose sa mga tumanggap ng kahit ano pang brand ng bakuna.
Aniya, mayroong listahan ang Department of Health (DOH) kung sino ang bibigyan ng booster shot.
Muli namang binigyang-diin ni Domingo ang mga benepisyong ibinibigay ng COVID-19 vaccines na aniya’y nakatutulong upang maiwasan ang sakit at pagkasawi dahil sa virus. —sa panulat ni Hya Ludivico