5,000 hanggang 10,000 vaccination sites ang inihahanda ng pamahalaan para sa tatlong araw na National Vaccination Day.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., 25,000 hanggang 50,000 vaccinators ang kanilang ide-deploy sa iba’t-ibang vaccination sites.
Bukod sa mga paaaralan ay gagamitin ring vaccination sites ang mga mall at mga kampo ng militar.
Aagapay naman ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Department of Transportation, upang tiyakin ang seguridad sa mga vaccination site.
Tutulong rin ang mga pribadong sektor, medical associations, at iba pang mga sektor sa pagpapakalat ng impormasyon sa isasagawang malawakang pagbabakuna.
Idadaos mula November 29 hanggang December 1 ang National Vaccination Day. —sa panulat ni Hya Ludivico