Nabawasan pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagdami ng mga gumagaling sa sakit.
Batay sa datos ng PNP Health Service, mula sa naitalang 176 kahapon ay nakapagtala na lamang ngayong araw ng Miyerkules ng 137 active cases sa hanay ng Pulisya.
Pumalo naman na sa 41,862 ang Total Recoveries sa PNP makaraang madagdagan ito ng nasa 37 kahapon habang nananatili naman sa 125 ang Death Toll.
Naitala rin ng PNP ang pinakamababang COVID-19 new cases sa 7 kaya’t aabot na sa 42,124 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng kaso.
Samantala, aabot na sa 208,238 mula sa kabuuang 225,000 na magigiting na pwersa ng PNP o katumbas ng 92% ang bakunado na kontra sa virus. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)