Dumating na sa bansa ang karagdagang 3.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ngayong araw.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., umabot na sa mahigit 54 na milyong doses ng Sinovac vaccines ang natanggap ng Pilipinas.
Magugunitang inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Moderna, Pfizer, Astrazeneca at Sinovac vaccine bilang booster doses.
Ngayong araw din sinimulan ng gobyerno ang pagtuturok ng ikatlong bakuna kontra COVID-19 sa mga fully vacinated healthcare workers.—sa panulat ni Joana Luna