Target ng pamahalaan na maturukan ng booster shot ang karamihan ng mahigit 1.6 milyong healthcare workers ngayong buwan.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nais ng gobyerno na maging handa ang healthcare system ng bansa sakaling magkaroon muli ng surge ng COVID-19.
Giit ni Galvez, dapat na agad na matapos ang pagtuturok ng booster shots sa health workers gayong tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa europe.
Maliban sa health workers, inaprubahan rin ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shots sa mga bakunadong senior citizens at persons with comorbidities. —sa panulat ni Hya Ludivico