Inaasahang sisimulan na sa susunod na taon ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa publiko, ayon sa miyembro ng Vaccine Expert panel ng pamahalaan.
Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, na kasunod ng mga health workers, matatanda at may comorbidities ang prayoridad na maturukan ng booster shots ng gobyerno ngayong taon.
Ayon pa kay Solante, maaring hindi payagan ang mga ordinaryong mamamayan na pumili ng brand ng bakunang kanilang magiging booster shot.
Samantala, sinabi ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group ng DOH na binubuo pa ang guidelines sa pagbibigay ng booster shot sa mga senior citizens at may comorbidities na maaring mailabas sa susunod na Linggo.
Aniya posibleng magkaiba ang polisiya ng pagtuturok sa health workers kumpara sa susunod na priority group.—sa panulat ni Joana Luna