Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. na hinarang ng Chinese Coast Guard Vessels ang Philippine Supply Boats sa Ayungin Shoal na bahagi ng Kalayaan Island Group.
Ito ay batay sa report ng Western Command sa Palawan na dalawang fishing vessels ng Pilipinas na naglalaman ng suplay ng pagkain para sa mga sundalong Pilipino ang hinarang at binombahan ng tubig ng tatlong Chinese Coast Guard Vessels sa nabanggit na lugar.
Bagama’t walang nasugatan sa nangyari, napilitan ang mga naturang fishing vessels ng bansa na i-atras ang paghahatid ng suplay.
Nagpahayag na ng pagkondena ang Pilipinas at hinimok si Huang Xilian, Ambassador ng China sa Ministry of Foreign Affairs na resolbahin ang iligal na inasal ng mga tauhan nito sa nangyaring insidente.—sa panulat ni Airiam Sancho