Mas palalakasin na sa pagitan ng Pilipinas at Israel ang turismo o two-way tourism upang isulong ang people-to-people relations.
Sa pahayag ni Israel Ambassador Ilan Fluss, kanilang hinihikayat ang mga turistang pilipino na bisitahin at magtayo ng negosyo sa kanilang bansa.
Ayon kay Fluss, nakita kasi nila na tumataas ang numero o bilang ng mga israelis na pumupunta sa Pilipinas para makapagtayo ng sariling negosyo.
Dagdag pa ni Fluss, papayagang bumisita ang mga pinoy sa kanilang bansa pero hindi umano tatagal sa 90 araw o halos 3 buwan kahit na walang visa basta fully vaccinated.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang Department of Tourism para masimulan ang pagtaas ng ekonomiya ng dalawang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero