Patay din sa aksidente ang isang rider matapos masalpok ng bus ang sinasakyan niyang motorsiklo sa kahabaan ng Congressional Ave., corner sta. Gerdrudes brgy Bahay Toro, sa lungsod ng Quezon.
Base sa imbestigasyon, binabaybay umano ng biktima sakay ng kaniyang mitsukoshi bonus x motorcyle (SR-6468) ang nasabing lugar nang bigla na lamang siyang salpukin ng bus mula sa likuran.
Dito na bumagsak sa semento ang biktima dahilan para magulungan ng pascual liner bus na may plakang NAE-5440 na minamaneho ng driver na si Claro Teano Basilio.
Nasawi ang biktima habang nakakulong suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. —sa panulat ni Angelica Doctolero