Hiniling ng isang grupo ng mga educator workers ang karagdagang pondo na dalawang bilyong piso upang itaas ang honoraria at allowances ng poll workers sa Halalan 2022.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippine Secretary General Raymond Basilio, ang ating mga guro ang magsisilbing frontliners sa darating na eleksyon.
Ang naturang karagdagang pondo ay “more or less suffice” upang saklawin ang kanilang panawagan para sa pagtataas ng kompensasyon ng mga poll workers
Aniya, masasakop ng halagang ito ang mga sumusunod: honorarium at anti-covid allowance para sa electoral board o EB chairpersons; honorarium para sa EB members; honorarium para sa desos; honorarium para sa support staff; para sa food allowance; at travel allowance.
Giit pa ng grupo para sa probisyon ng “easily accessible legal and medical services” sa mga polling precincts para sa kapwa poll workers at botante.