Ipinagmalaki ng Army’s 4th Infantry Division na napabagsak na nila ang pwersa ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa lalawigan ng Bukidnon.
Ito’y makaraang madagdagan pa ng 11 ang bilang ng mga rebeldeng nagsisuko sa Militar partikular na sa Brgy. Poblacion, bayan ng Maramag sa naturang lalawigan.
Ayon kay 4th ID Commander M/Gen. Romeo Brawner, kabilang sa 11 nagsisukong rebelde ay isang Child warrior na nasa pangangalaga na ngayon g 88th Infantry Battalion.
Gayundin ang Commanding Officer ng Front Operations Command na kinilalang si Michael Mantikinon alyas Kimay at asawa nitong si Irish Arcayan alyas Trixie na Political Instructor ng mga rebelde.
Kasamang isinuko ng mga rebelde ang iba’t ibang kalibre ng armas tulad ng M-16 rifle at M203 granade launcher gayundin ang mga pampasabog. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)