Posibleng ibaba sa Alert level 1 ang estado ng National Capital Region (NCR) sa susunod na buwan.
Ito ay ayon sa OCTA Research Group na kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye, binabantayan nila kung patuloy na magkakaroon ng downward trend ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.
Aniya, makikita lamang ito kung patuloy na susundin ng publiko ang mga ipinatutupad na minimum health standards ng pamahalaan, walang maitatalang nakakahawang variant at kung palalakasin pa ng gobyerno ang vaccination rollout sa bansa.
Samantala, sinabi ng OCTA na posible ang bahagyang pagtaas sa kaso ng virus sa Disyembre ay sanhi umano ng pagtaas ng mobility kasunod ng pagbaba ng NCR sa alert level 2.