Hindi pa handa ang general population ng bansa sa pagbabakuna ng booster shot.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) na ang kanilang desisyon sa pagbibigay ng booster dose sa mga healthcare workers ay may nakaamba pa ring panganib.
Dagdag pa ng DOH, ang pag roll-out ng naturang booster shot ay ipamamahagi sa bawat priority list group.
Sinabi pa ng DOH na kailangan maibigay ang nasabing booster dose sa mga indibidwal na karapat dapat tulad ng mga senior citizens at mga may comorbidities.
Samantala, sinabi ng National Vaccination Operation Center (NVOC) na ang mga pilipinong nabakunahan ng Pfizer, Moderna, Sinovac, Sputnik V at Astrazeneca bilang primary series ay kailangan maghintay ng anim na buwan bago magpaturok ng booster shot.
Habang ang mga naturukan ng Janssen COVID-19 vaccine naman ay kailangan maghintay ng tatlong buwan bago magpabakuna ng ikatlong dose.