Maituturing na isang paalala sa pamahalaan ang naganap na pagharang ng Chinese Coast Guard sa supply boat ng bansa sa Ayungin Shoal upang mas manindigan ito sa pagprotekta sa soberanya ng Pilipinas ayon kay Magdalo Partylist at Representative Manuel Cabochan III.
Pahayag ni Cabochan bahagi ng Exclusice Economic Zone at Continental Shelf ng bansa ang ayungin shoal at hindi dapat nangingialam ang China sa teritoryong ito.
Matatandaang, tiniyak ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipaparating nito ang naganap na insidente nitong martes sa Ambassdaor ng China at sa Ministry of Foreign Affairs. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)