Papapasukin na sa bansa ang mga turistang mula sa green “countries” kung ang mga ito ay nakatanggap na ng kanilang kumpletong bakuna.
Sa anunsiyo ng DOT, aprubado na ng IATF-EID ang pagtanggap sa mga turistang mula sa mga bansang nasa low-risk ng COVID-19.
Giit pa ng DOT, nasa proseso na ang “vaccinated travel lanes or bubbles” isang espesyal na programa na mag-o-otorisa sa mga turistang mula sa yellow countries o bansang nasa ilalim ng moderate risk sa COVID-19 na makapasok sa Pilipinas.—sa panulat ni Joana Luna