Bumaba pa sa 2% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ito ang pinakamababang positivity rate na naitala sa NCR mula nang mag-umpisa ang COVID-19 testing sa Metro Manila.
Nasa 349 mula sa 421 naman ang seven-day average ng mga bagong kaso sa NCR.
Habang 0.48 ang reproduction number na tumutukoy sa bilang ng mga nahawaan ng isang kaso.
Naitala rin ang daily attack rate (adar) na 2.46 per 100,000 na populasyon.
Samantala, nananatiling nasa ‘low risk’ sa COVID-19 ang NCR kung saan limang lungsod ang tinukoy na ‘very low risk’ kabilang ang Navotas, Caloocan, Pateros, Marikina at Valenzuela.—sa panulat ni Airiam Sancho