Binabantayan na ng DOH ang plateauing ng mga naitalang COVID-19 cases sa Metro Manila nitong nakaraang linggo.
Tiniyak ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagkakasakit sa bansa.
Ayon kay Vergeire, bagaman mayroong bahagyang pagtaas noong isang linggo, bumaba naman ang bilang mga kaso makalipas ang ilang araw.
Sa kabila nito ay nasa ilalim pa rin anya ng low-risk classification ang National Capital Region at buong bansa, maliban sa Cordillera Administrative Region, na nag-iisang lugar na nasa ilalim ng Moderate Risk Case Classification.
Samantala, sinabi naman ng DOH official na umaayon ang sitwasyon sa NCR sa naunang projections ng kagawaran.
Kahapon ay bahagyang tumaas sa 1,485 ang additional daily COVID-19 cases sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino