Nabulahaw ang mga residente ng Nueva Ecija, Pangasinan at Pampanga dahil sa pag-atake ng sandamakmak na rice black bug na kilala rin sa tawag na alitangya o atangya, na may mabahong amoy.
Kabilang ang mga lungsod ng Cabanatuan at San Jose sa Nueva Ecija sa mga naperwisyo ng rice black bug na bumalot sa ilang establisyimento gaya ng gasolinahan.
May ilang ATM machine ang hindi rin nagamit dahil sa kapal ng alitangyang nakadikit sa mga ito habang isang toyota fortuner ang dumulas patungo sa isang palayan sa cabanatuan dahil sa nagkalat na peste sa kalsada.
Sa ngayon ay hindi pa mabatid ng Department of Agriculture kung ano ang rason ng pagkalat ng mga alitangya. —sa panulat ni Drew Nacino