Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng kowalisyon sa pagitan ng administration party na PDP-Laban, PDDS at Lakas-CMD.
Sa Pulong–Balitaan sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon, inamin ni Pangulong Duterte na si dating senador at presidential aspirant Bongbong Marcos ang dahilan kaya’t malabong magkaroon ng kowalisyon.
Iginiit ng Pangulo nahindi pa siya kumbinsido sa kakayahan ni Marcos lalo sa pagharap sa mga krisis, bukod pa sa masalimuot na kasaysayan ng pamilya nito.
Ang PDDS na pinamumunuan ni Marcos ay kaalyado ng Lakas-CMD, na pinamumunuan naman ng kanyang running mate at presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte–Carpio. —sa panulat ni Drew Nacino