Sugatan ang pitong indibidwal kasunod ng marahas na kilos-protesta sa lungsod ng Rotterdam sa Netherlands.
Nabatid napilitang magpaputok ng warning shots ang mga pulis matapos silang pagbabatuhin ng mga demonstrador at sunugin ang isang patrol car.
Nag-ugat ang protesta sa panibagong restrictions na ipinatutupad ng Dutch government dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa naturang bansa.