Pinababasura ng grupo ng Human Rights lawyers sa International Criminal Court (ICC) ang anumang kahilingang ipatigil ang imbestigasyon nito sa war on drugs campaign ng Duterte administration.
Ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), hinikayat nila ang ICC na huwag padala sa mga claim ng Duterte administration taliwas sa mga sadyang nangyayari sa paligid at hindi dapat palampasin.
Una nang itinigil pansamantala ng ICC ang nasabing imbestigasyon matapos hilingin ng gobyerno.