Ipatutupad na simula bukas, November 22 ang COVID-19 alert level system sa buong bansa.
Magugunitang ipinaprubahan noong isang linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide implementation ng alert level system upang matukoy ang restrictions sa COVID-19 pandemic.
Nilinaw ni Interior Undersecretary Epimaco Densing na mawawala na ang COVID-19 community quarantine response sa Disyembre at mapapalitan na ng mas epektibong granular lockdowns at alert level system.
Sa ngayon ay tanging NCR anya ang rehiyon na kwalipikado para sa alert level 1 sa susunod na buwan.—sa panulat ni Drew Nacino