HINIKAYAT ng mga militanteng grupo ang US Congress na ipasa ang Philippine Human Rights Act.
Sakaling lumusot ang panukalang ito ni US Rep. Susan Wild, agad na ititigil ang tulong ng Estados Unidos para sa seguridad ng Pilipinas dahil sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay nito, naglatag din ng tatlong libong pares ng tsinelas sa National Mall ang mga demonstrador kung saan ipinagsigawan ng mga ito na nangyari umano ang mga human right violations mula nang maupo sa puwersto ang Pangulong Duterte.