Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na matatag ang presyo ng karne, manok at maging processed meat sa panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reano, mataas ang produksyon ng baboy at manok sa bansa lalo na ang mga backyard farm kung kaya’t maganda rin ang presyo ng bawat kilo sa buhay na baboy o live weight na aabot sa P92 hanggang P111 sa backyard, habang sa commercial live weight ay nasa P109 hanggang P113 kada kilo.
Binigyang diin ng DA na nakakabuti ang matinding pagbabantay sa paglabas ng karne mula sa slaughter house upang mas lalong kilalanin ang magandang kalidad ng karne ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ipinabatid ni Reano na patuloy ang pagtaas ng pag-export ng karne at mga kaugnay na produkto sa bansang Japan, Brunei, South Korea, Papua New Guinea, Australia, Dubai, Kuwait, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, Russia, United Arab Emirates, Bahrain, Oman at Lebanon.
Ipinagmalaki pa ni Reano na bumaba na rin ang importasyon ng laman ng karne o premium cut at maging officials ngayong taon na umabot sa 180 milyong kilo mula sa 183 milyong kilo sa taong 2014 sa pagitan ng Enero hanggang Setyembre.
By Meann Tanbio | Monchet Laranio