Nagbanta ang Women’s Tennis Association na hindi itutuloy ang kanilang torneyo sa China.
Bunsod ito ng umano’y hindi pa inaaksyunang issue ng sexual assault ng isang dating opisyal ng china sa dating tennis world champion na si Peng Shuai (shway).
Ayon kay WTA Chief Executive Steve Simon, kapag hindi sila nakuntento sa imbestigasyon ng China sa alegasyong sexual assault ni Peng Shuai laban kay dating vice primier Zhang Gaoli.
Ilang milyong dolyar din aniya ang mawawala sa China kapag ini-atras ang nasabing torneo.
Nitong Oktubre ay isiniwalat ng chinese tennis superstar sa social media na inalok ito na makipagtalik noon kay Gaoli. —sa panulat ni Drew Nacino