Tututukan nina presidential aspirant, dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang digital infrastructure sa bansa.
Layunin nitong mapalakas at mapabuti ang internet service sa bansa kung sakaling palarin silang manalo sa 2022 elections.
Ayon kina Marcos at Duterte – Carpio, mahalagang mapabilang ang digital infrastructure sa “build, build, build” program ng pamahalan upang matiyak ang mura at maaasahang internet service para sa mga pinoy.
Nakita naman anila ang problema sa mabagal na internet connection sa kalagitnaan ng pandemya makaraang mahirapan ang mga guro at estudyante sa kanilang online classes.
Binigyang-diin ng BBM-Sara tandem na ang mabilis at tiyak na aksyon ang dapat gawin ng gobyerno upang maresolba at matukoy ang dahilan ng mabagal ba internet connection sa bansa kumpara sa iba.
Sa datos ng National Research Council of The Philippines, mahigit 90% ng mga guro sa elementary, junior at senior high schools, lalo sa mga probinsiya, ang nahihirapan dahil sa internet connectivity.