Magsasagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Health laban sa Philippine Orthopedic Center tungkol sa kumakalat na bentahan sa kanilang lupain.
Nabatid na dalawang lote ang binenta umano ng naturang ospital sa gitna ng nararansang Covid-19 pandemic.
Sa House Resolution no. 2336, sinasabing palaisipan umano kung paano napunta sa isang private couple at isang motor company ang mahigit 1,516.50 sqms. At isa pang 1,517 sqms. na lupa na katabi mismo ng kinatatayuang gusali ng naturang ospital.
Sa ngayon inaasahan na sa gagagawing house inquiry ay lalabas ang katotohanan at kung mapatutunayang mayroong iregularidad ay maparurusahan ang mga responsable. —sa panulat ni Angelica Doctolero