Nakumpiska ng mga otoridad mula sa isang suspek ang nasa P1.3 milyong halaga ng shabu sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Ronilo Buhay Andaya alyas “Ronnie”, 53-anyos na nakuhanan ng 200 gramo ng shabu sa 6th Avenue, Barangay East Rembo sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa mga tauhan ng Southern Police District, agad nilang naaresto ang suspek matapos magpanggap na poseur buyer ang isa nilang tauhan para bumili ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit apatnapung libong piso na shabu.
Paglabag sa sections 5, 11 at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero