Inanunsiyo ng DA na nakikipaglaban pa rin ang bansa sa African Swine Fever.
Ayon kay DA assistant secretary Noel Reyes nasa 60 barangay pa ang pinahihirapan ng virus mula sa 3,000 mga naitalang lugar, noong 2019, taon nang pagsisimula ng outbreak.
Sinabi pa ni Reyes, na nakikipag-ugnayan na ang DA at US para sa dalawang brand ng bakuna kontra ASF virus.
Kaugnay nito, inanunsiyo ng DA nitong Sabado, na babayaran nila ang lahat ng hog raisers na napilitang patayin ang mga alagang baboy dahil sa ASF.—mula sa panulat ni Joana Luna