Umaasa si Tourism Secretary Bernadette Romulo – Puyat na maipatutupad na sa susunod na Linggo ang guidelines sa pagpasok sa Pilipinas ng fully vaccinated foreign tourists mula sa green list o low-risk countries.
Aminado si Puyat na bagaman aprubado na, mayroon pa ring mga detalyeng dapat plantsahin.
Kabilang sa mga bansang nasa green list ang China, Hong Kong, Bhutan, India, Indonesia, Japan, Kuwait, Northern Mariana Islands, Oman, Pakistan, Saudi Arabia, Taiwan at United Arab Emirates.
Iginiit ni Puyat na dahil sa pandemya, bumaba ang kontribusyon ng turismo sa gross domestic product ng bansa sa 5.4% mula sa dating 12.8%.
Bumaba naman sa 4.6 million ang mga turistang dumating mula sa dating 5.7 million. —sa panulat ni Drew Nacino