Tatalakayin na ng Inter-Agency Task Force sa Huwebes ang issue sa paglabas ng mga bata sa kanilang mga bahay sa gitna ng covid-19 pandemic.
Ayon kay Health Undsecretary Maria Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na ang DOH sa MMDA at mga Metro Manila mayor hinggil sa mobility ng mga menor de edad, lalo’t hindi pa naman maaaring bigyan ng covid vaccine ang mga 12 anyos pababa.
Ipinunto ni Vergeire na bagaman nasa alert level 2 ang NCR At maaari namang lumabas ang mga bata, dapat ay pagtuunan ng pansin ang tunay nilang layunin.
Ito, aniya, ay upang makapag-ehersisyo, magpa-araw at makipaglaro sa mga kapwa bata pero sa hindi crowded na mga lugar. —sa panulat ni Drew Nacino