Dismayado ang mga kaanak ng mga napatay sa drug war sa pagsuspinde ng International Criminal Court sa imbestigasyon laban sa umano’y crimes against humanity ng Duterte administration.
Ayon kay Randy Delos Santos, tiyuhin ng highschool student na si Kian, na pinaslang noong 2017, tila tumigil ang mundo nila lalo’t ang ICC Lamang ang kanilang pag-asa upang makamit ang hustisya.
Balot naman ng galit si Normita Lopez, na napatay din ang anak sa anti-drugs campaign, at aminadong muntik maibato ang cellphone nang mapag-alaman ang pasya ng ICC.
Malinaw anilang natatakot humarap sa imbestigasyon ang gobyerno ng pilipinas.
Sa kabila nito, umaasa si Atty. Kristina Conti, legal counsel ni Lopez at iba pang kaanak ng mga biktima, na muling gugulong ang imbestigasyon ng hague-based court. —sa panulat ni Drew Nacino