Hihilingin ng Department of Justice sa National Task Force Against COVID-19 na maisama ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa mga makakatanggap ng COVID-19 vaccine sa tatlong araw na National Vaccination Drive.
Binigyang diin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dapat ring maprotektahan laban sa virus ang mga PDL’s lalo pa’t nagsisiksikan ang mga ito sa mga bilangguan.
Sa ngayon, mahigit 114,000 inmates na ang naturukan ng bakuna kontra covid-19 kung saan, 76,084 PDL’s ang nakatanggap ng dalawang dose.
Target ng NTF na mabakunahan ang 15 million individuals sa Three-Day Vaccination Drive na isasagawa sa November 29 hanggang December 1. —sa panulat ni Hya Ludivico