Bilang isa ding kandidato iginiit ni Senator Christopher Bong Go na hindi nya ugali na manira ng kapwa kandidato para lang bumango ang kanyang pangalan.
Kaugnay nito, tumanggi si Senator Go na magkomento sa sinasabing presidentiable na gumagamit ng cocaine.
Itinanggi ni Senator Go ang sinassbi ng ilang political analyst na kaya sinisiraan ang isang presidentiable ay para sa bandang huli ang maging magkatandem pa din ay silang dalawa ni Mayor Sara Duterte-Carpio.
Giit ni Senator Go,walang ganung usapan at plano.
Hinimok ni Senator Go ang mga botante na maging matalino sa pagboto at pilin ang sa tingin nila ay magiging mahusay na lider at totoong makapagseserbisyo sa taong bayan.
Samantala, kinumpirma ni Go na hindi pa sila nagkakausap ni Inday Sara.
Sa kabila tiniyak ng senador na bilang respeto sa Pangulong Duterte hindi siya pipili ng ibang vice presidential candidate. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)