Naitala ang pinakamababang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang kauna unahang pagkakataon na bumaba ang active COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ayon kay Acting Spokesperson Karlo Nograles, nakapagtala ng mas mababa sa 20,000 ang active cases kahapon.
Aniya, nasa 19,798 na lamang ang bilang ng aktibong kaso ngayong taon.
Dagdag ng kalihim, huling nakapagtala ng mababang aktibong kaso ng virus nuon pang hunyo ng nakaraang taon. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)