Hindi na kulelat ang Pilipinas sa COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia.
Mula sa ika-121 na pwesto noong buwan ng Setyembre, ay nasa ika-103 na ang Pilipinas sa buwan ng Oktubre na may score na 41.5.
Ayon sa Department of Health, bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa pagtaya ng Nikkei Asia sa COVID-19 Recovery Index, ang bilang ng confirmed cases at social mobility. —sa panulat ni Hya Ludivico