Walang natatanggap na impormasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa planong pananabotahe ng mga terorista sa nalalapit na APEC Summit sa Metro Manila.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri, tuluy tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa international community hinggil sa seguridad ng gaganaping pagpupulong na dadaluhan ng lider ng iba’t ibang bansa.
Tiniyak ni Iriberri na ginawa ang lahat ng contingency para sa seguridad.
Kumpiyansa rin ang AFP Chief na mapapanatili nila ang tagumpay ng pinaka-highlight ng APEC Leaders Summit sa buwang ito, katuwang ang Philippine National Police.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal