Nag-party nang walang social distancing at walang suot na face masks ang ilang mga kabataan sa Tulunan, Cotabato.
Naganap ang insidente sa selebrasyon ng 60th Founding Anniversary ng Tulunan noong Biyernes.
Ayon sa mga otoridad, alas-10 ng gabi nang matapos ang programa ng lokal na pamahalaan ngunit dumagsa ang mga kabataan at nagpatuloy na mag-party.
Ayon kay Tulunan, Cotabato Mayor Reuel “Pip” Limbungan, posibleng ginamit ng mga kabataan ang sound system na naiwan sa party matapos ang employee’s night.
Wala na rin aniyang nagawa noon ang mga otoridad at bandang alas 12:30 na nang mapatigil ang party ng mga kabataan.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Limbungan kung may aksyon nang ginawa laban sa mga organizer ng party.
Matatandaang isinailalim sa Alert level 2 ang Cotabato City mula November 22 hanggang 30. —sa panulat ni Hya Ludivico