Dapat nang resolbahin ng Philippine Sports Commission ang hidwaan sa pagitan nina 2021 Olympian Pole Vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at ng Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).
Ito ang panawagan ng malakanyang kaugnay sa akusasyon ng patafa na hindi umano binabayaran ni Obiena ang kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov sa nakalipas na tatlong taon.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaasahan nilang magiging mas proactive pa ang PSC Kasabay ng pag-monitor nila sa developments sa issue.
Magugunitang ipagpaliban ng Senado ang deliberasyon ng panukalang budget ng PSC para sa taong 2022 dahil sa ”wait-and-see approach” nito sa gusto nina Obiena at ng PATAFA.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Olympic Committee na iimbestigahan nila ang nabanggit na issue. —sa panulat ni Drew Nacino