Hindi pa rin i-aatras ng mga truckers ang kanilang rest day at inilargang caravan laban sa mga bagong polisiyang ipinatutupad sa mga pantalan.
Ayon kay Confederation of Truckers Association of the Philippines President Maria Zapata, hinihintay pa rin nilang marinig ng gobyerno ang kanilang panawagan.
Laban ito sa pagpapa-accredit sa Manila International Container Terminal Pass at Terminal Booking System, mga multa at no permit, no transaction policy ng Philippine Ports Authority.
Iginiit ni Zapata na sa halip na mabawasan ang problema at magpatuloy ang hanapbuhay, abala sa operasyon at dagdag gastos ang dala ng mga bagong polisiya.
Bukod sa rest day, magsasagawa rin ang mga trucker ng motorcade. —sa panulat ni Drew Nacino