Magpakita muna siya ng good faith at respeto sa pamamagitan ng pagpapakita physically sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committe.
Ito ang hamon ni Senator Panfilo Lacson kay dating undersecretary Lloyd Christopher Lao makaraang magsumite ito ng motion for reconsideration kung saan hinihiling na huwag na siya i-contempt at ipaaresto handa naman daw siya dumalo sa imbestigasyon basta’t wag maging hostile sa kanya.
Giit ni Lacson kapag nagpakita si Lao personally sa Blue Ribbon Committee saka lang maaaring pag-usapan ng Komite kung ikukunsidera ang kanyang mosyon.
Bagamat nabatid na tinanggihan na ng Blue Ribbom ang hirit ni Lao pero ayon sa Chairman ng Komite na si Senator Richard Gordon, sakaling dumalo physically si Lao maaari nilang pag usapan ang kahilingan nito.
Sa Biyernes, November 26 naka eskedyul ang panibagong pagdinig ng Senado kontroberyal na transaksyon ng gobyerno sa Pharmally. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)