Nahirapan sa unang linggo nang pagsasagawa ng limitadong face to face classes ang ilang mga estudyante mula sa pampublikong paaralan.
Ayon sa DEPED, lumabas sa kanilang isinagawang assessment na 18 sa 56 na paaralang nagsumite ng kanilang weekly report ang nagsabing hindi marinig ng maayos ng mga mag-aaral ang sinasabi ng mga guro dahil sa face mask.
Habang nasa 17 paaralan ang nagsabing hindi makita ng malinaw ng mga estudyante ang nakasulat sa blackboard dahil sa physical distancing.
Sa kabila ng mga ito, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na naging masaya ang mga guro, magulang at lokal na pamahalaan sa pagbabalik ng face to face classes.
Samantala, ayon pa kay briones ang muling pagbubukas ng mga paaralan sa metro manila ay naka-depende sa risk assessment at willingness ng Local Chief Executive ng mga lungsod.—sa panulat ni Joana Luna