Dumating na sa bansa ang humigit kumulang 700 libong doses ng bakunang astrazeneca, na donasyon ng Australia.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, alas-nueve: kuwarenta y singko ng umaga (9:45am) ngayong araw, lumapag sa NAIA terminal 3 ang eroplanong lulan ang mga bakunang Astrazeneca.
Matatandaang kabilang ang Astrazeneca vaccines sa mga bakunang inaprubahan bilang booster shots ng health workers.
Bukod dito, aprubado rin ng FDA ang single dose ng Pfizer, Sinovac, Astrazeneca vaccines at kalahati ng regular dose ng Moderna vaccine bilang booster doses.—sa panulat ni Joana Luna