Inihayag ni Health Expert at dating NTF Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon na posibleng mauwi sa pandemya ng mga hindi bakunado ang COVID-19.
Aniya, bagama’t mababa na ang kaso ng naturang virus sa bansa ay tumataas naman ang bilang ng mga tinatamaan ng moderate at severe cases.
Dagdag pa ni Leachon na kapansin-pansin sa mga namamatay dahil sa sakit ang mga senior citizen at may comorbidity na hindi pa nababakunahan.
Samantala, sinabi niya na dapat pang paigtingin ng pamahalaan ang panghihikayat sa publiko na magpabakuna.—sa panulat ni Airiam Sancho