Patuloy paring makakaranas ng makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Island.
Asahan parin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa mainland Cagayan dulot ng shearline.
Generally fair weather condition naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon lalo na sa umaga hanggang tanghali pero may mga panandaliang pag-ulan pagsapit ng hapon hanggang gabi dulot naman ng mga localized thunder storm.
Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas habang magiging mainit naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa 25 degrees celsius na aabot hanggang sa maximum na 33 degrees celsius. —sa panulat ni Angelica Doctolero